Pero tulad ng oras, lahat ng bagay lumilipas..

Nakadilat ang aking mga mata.. Ngunit, blanko. Parang platong walang laman. Ulap na magaan na sa wari’y lumilipad. Ganun nga.. Iyun nga ang pakiramdam..

Nagulat na lang ako sa pagkakatulala ko, para akong nagising na lang bigla sa mahabang pagtulog ng marinig ko ang isang senyales. Isang malakas at nakakabasag na ingay.

Hindi ko maisip ang literal o kahit ang malalim na kahulugan bakit may mga pagkakataon sa buhay ng tao na bigla na lang tayo nalulungkot sa wala namang kadahilanan. Pero ang sabi nga ng isang malapit na kaibigan, imposibleng makakaramdam tayo ng isang emosyon ng walang dahilan. Apektado tayo, yun ang totoo. Kung anumang dahilan yun, maliit o malaki, naapektuhan tayo. Minsan, kahit alam natin ang dahilan ayaw lang talaga nating aminin.

Pero tulad ng oras, lahat ng bagay lumilipas..

Kung kaya, sa tuwing nakakaramdam ako ng mga hindi magandang emosyon, alam kong lilipas din ito. Imbes na malugmok at lumalim ang hindi magandang emosyong ito, dapat lang siguro na tulungan natin ang ating sarili na bumangon at iwaksi sa isipan.

Sabi nga sa kanta.. “easier said than done”, pero kung ayaw mong parusahan ang sarili mo sa ganitong klase ng emosyon, ikaw na mismo ang gagawa ng paraan. Huwag mong ikatakot ang mga bagay na pwedeng mangyari o mga taong pwede mong masaktan. Alalahanin mo ang isang kasabihan “you can’t please everybody”, pero may kasabihan din “but you can always please yourself”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s