Meron ka bang pride?

Ano nga ba ang kahulugan ng PRIDE?

Ayon kay mareng Wikipedia: Pride is an inwardly directed emotion that carries two common meanings.

With a negative connotation, pride refers to an inflated sense of one’s personal status or accomplishments.

Negative pride is usually present in a relationship. Most of the time, the root of all love quarrels of couples is because of mishandling of pride.

Karamihan, dahil ito sa kung ano ang narating ng partner mo. Halimbawa, kung mas mataas ang pinag-aralan mo, mas mataas ang pride mo sa relasyon. Kung mas mataas ang sahod mo, mas mataas ang pride mo. Minsan, nababase din ito sa edad at kung ano ang estado ng pamilya ng kapareha mo.

**Lahat ng ito ay pawang obserbasyon sa mga taong nakasama at nakausap ko sa araw-araw ng buhay ko. Lahat ng ito ay pawang opinyon ko lamang at wala itong papel na basehan maliban sa ugali at galaw ng mga tao.**

Pero tama nga ba ang mga kadahilanang ito? Ang rason ng mga taong sa tingin nila ay tama sila?

With a positive connotation, pride refers to a satisfied sense of attachment toward one’s own or another’s choices and actions, or toward a whole group of people, and is a product of praise, independent self-reflection, or a fulfilled feeling of belonging.

Ang positibong pride ay nabubuo dahil sa mga taong nakapaligid satin. Minsan, hindi natin kelangan pang magsalita, dahil nakikita nila kung gaano tayo kagaling. Sakanila na nanggagaling ang pagtanggap nila sa iyo.

May isang taong nagsabi sakin na ma-pride daw ako. Sa sobrang taas ko, hindi ko daw kayang bumaba. Napaisip ako, hindi naman ako nakakatapak ng ibang tao. Dahil lang ba sa hindi pabor sa kanya ang mga ginagawa ko, ma-pride na ako? Dahil lang ba hindi ako nagsasabi ng mga kasalanan ko sa harap niya, ma-pride na ako? Ganun ba yun?

Nagtanong ako sa isang kaibigan kung kailan nga ba ang tamang panahon at sitwasyon kung kelan ikaw ay kailanganag magpakumbaba.

“Lahat ng tao may pride. Pero depende na rin kung paano mo ibababa ito. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong ibaba ang pride mo. Ang proseso nito ay hindi madali kung ang taong kaharap mo ay walang respeto sa iyo. Masarap sa pakiramdam ang pagpapakumbaba ng pride kung ang taong kaharap mo ay kaya ding magpakumbaba at alam mong walang ere”, aniya.

Noon ko naintindihan, na hindi naman ako obligado na laging magpakumbaba. Minsan, kailangan mo ang pride mo para maitayo mo ang sarili mo sa mga panahon na tinutuligsa ka ng mga taong alam mong hindi ka kilala ng lubusan.

Ang pride ay hindi negatibong salita kung ito ay gagamitin ng tama. Kung alam at naiintindihan mo ito, hindi na mahirap para sayo na tanggapin na ito ay parte na ng buhay mo.

Ikaw, paano mo ginagamit ang pride mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s