Paano mo ginagamit ang katalinuhan mo?

Bakit ba may mga taong sobrang talino? At sa sobrang katalinuhan, nakakalimutan na niya na isa siyang edukado.

Hindi naman masama ang pagiging matalino, tulad ng pagiging madaldal. Pero lahat naman ng bagay maski ang dapat gawin ng isang tao ay may limitasyon. Nagtataka lang ako bakit hindi makuntento ang tao na manahimik na lang at hayaan ang ibang tao na malaman kung gaano siya kagaling? Kadalasan, kapag tayo ay matalino at may pera, mas mayabang.

At sa kadahilanan ding ito, mas nakakasakit tayo. Minsan, hindi na natin naiisip kung ano ang lumalabas sa ating bibig. Tama na sa atin yung nasabi natin kung ano ang gusto nating iparating. At kadalasan hindi tayo marunong makinig, mas importante ang opinyon natin kesa huminto at isipin kung tama nga ba ang ginagawa natin.

Ang pagiging matalino, hindi pinagyayabang, hindi ipinapakita kung hindi kinakailaingan. Hindi natin kailangang magsalita ng mataas sa kapwa para lang masabi na mas nakatataas tayo sapagkat may pinag-aralan.

Ang tunay na may pinag-aralan, kailanman ay hindi nagsalita ng masama sa kapwa, hindi nagmarunong sa mga bagay bagay, tumatanggap ng mga pagkakamali at hindi mataas ang tingin sa sarili.

Dahil minsan, kung gaano kataas ang tingin mo sa sarili mo, ganun din kasakit ang pagbagsak mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s