Lahat ng bagay may tamang oras.

Nakasakay ako sa tren noong araw na yun, maluwag ang loob nito dahil wala gaanong tao. Nakaupo pa ako nun, katabi si ate na animo’y natalo sa lotto, hindi maipinta ang mukha. Pero naisip ko baka nga naman may pinagdadaanan siya, kung kaya hindi ko na lang siya gaanong pinansin pa.

Sumasabay ako sa awit ng PNE na Pangarap na lang kita, ng huminto ang tren sa sumunod na istasyon at noon ay pumasok ang dalawang lola. Nakapwesto sila sa harap ko at ni ate na may mukhang hindi maipinta. Syempre, hindi pwede na ako nakaupo at sila nakatayo, tumayo ako at ibinigay ang pwesto ko ng makaupo ang unang lola, ginawa ko rin ‘yon para makaramdam si ate na nakasimangot na mas bata at malakas pa ang tuhod niya kumpara kay lola na asa harap niya. E madali lang din namang makaramdam si ate, kung kaya ibinigay niya ang pwesto niya.

At huminto na nga sa istasyon kung saan dapat ako bumaba.

Pasara na ang pinto pero ang mga taong nais makapasok ay parang mga bulating hindi magkanda-ugaga sa paggalaw at paghabol sa sumasarang pinto. May isa pa ngang pamilya kulang na lang at mabigyan ng award bilang mag-anak na mabilis tumakbo. Iyun nga lang, muntik ng maipit ang bitbit nilang anak. Buti na lang at ligtas sila.

Pagbaba ko sa istasyon ng tren at palakad na patungo sa aking pupuntahan ng mapansin ko ang pulang traffic light, syempre, huminto ako para maghintay sa luntiang kulay para ako ay makatawid. Disiplina, kahit pano meron ako niyan. Napukaw ang paningin ko sa mga ilang taong nagpumilit pang tumawid, pero alam naman nila na dagsa ang mga sasakyan. Mabuti na rin lang at walang napahamak sa kanila.

Doon napaisip ako, bakit ba kasi tayong mga tao, hindi natin kayang maghintay? Bakit kahit alam nating hindi pwede ay nagpupumilit pa rin? Bakit hindi natin kayang magtiis o huminto pansamantala at isipin ang pwede mangyari satin kapag nagdesisyon tayong tumuloy ng wala sa tamang panahon o sitwasyon?

Parang buhay ng tao. May mga bagay na hindi na nating napag-i-isipan, kung kaya sa huli, puro pagsisisi. Minsan sa buhay natin, kung kailan natin kailangang huminto, mas nagpupumilit tayo. Kung kailan dapat tayong magpursige tsaka naman tayo humihinto. Kung kailan dapat tayong mag-ingat tsaka tayo naaaksidente. Hindi tayo marunong makinig o magbasa kahit alam nating may warning signs na sa harap natin.

Sa buhay natin, may mga desisyon tayong nabibitawan na hindi natin napag-i-isipan. At dahil dito, nakakasakit tayo at di kalaunan, mas nasasaktan natin ang ating mga sarili. Mas masakit, mas malalim. Tsaka natin maiisip ang “sana” at “ano kaya”.

Madalas, hindi tayo marunong maghintay, hindi tayo marunong makiramdam sa paligid at hindi tayo marunong magtanong. Basta nagawa natin mga  bagay na pabor satin, yun ang alam nating tama. Matatauhan na lang tayo kapag nasaktan tayo dahil sa hindi kaaya-ayang pangyayari. Magigising na lang tayo kapag malaman natin na nakasakit na tayo ng ibang tao.

Naniniwala akong hindi madaling maghintay lalo na kung gusto natin itong makamit, pero mas naniniwala ako na lahat ng bagay ay may tamang oras.

Hindi man ngayon, pero alam mong darating yun. At sa tamang oras na yun, alam nating makakasakay tayo ng tren na hindi hinahabol ang pagsara ng pinto… Makakatawid ng maayos ng hindi makikipaghabulan sa mga rumaragasang mga sasakyan.

Sa tamang panahon na ito… Mapapa-satin ang dapat at tama na para sa atin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s