LOVE

Ano nga ba ang kahulugan nito?

High School ako ng makilala ko ang salitang ‘love’. Hindi ko ito alam at wala akong ideya kung ano nga ba ang meron sa kanya. Kung bigyan namin ito ng kahulugan nung high school palang ako, sabi ko.. Love is blind. Pero ang totoo niyan, hindi ko naiintindihan kung ano ang kahulugang iyon dahil kinopya ko lang yun sa isang kaklase na maraming alam.
High School din ako ng magkaroon ako ng puppy love. Iyun bang gusto mo laging may pasok para makita siya, yung masaya ka pag nakita mong nakangiti siya.. At iyung oras ng buhay mo na parang tumitigil ang lahat kapag nakita mong nakatingin din siya sayo. Ah! Ang sarap ng pakiramdam.
Akala ko ganun lagi ang love. Walang problema, lahat masaya at masarap sa pakiramdam. Hindi din pala. Tulad ng isang patpat, pwedeng maputol ang lahat. At sa puppy love na yun, una kong naranasan maging masaya ganun din ang unang karanasan sa pag-iyak. Ganun pala yun..
Tumuntong ako ng kolehiyo. Wala akong ibang nasa utak kundi ang mag-aral, maliban dun, ang magkaroon ng magandang simula ng relasyon sa pagkakaibigan. Dun ko napatunayan na ang pagmamahal ay hindi lang sa isang tao mo kayang ibigay.
Ang love parang kidlat. Kadalasan magugulat ka na lang, dahil minsan bigla bigla ka na lang matatamaan at susulpot galing sa malayo. Minsan naman nagugulat tayo dahil hindi natin alam na katabi na pala natin, matatauhan na lang tayo kapag bigla ka na lang tinamaan.

Ang love parang dictionary na sa dami niyang pwedeng maging kahulugan, minsan hindi na natin alam kung tama pa ba ung alam nating kahulugan nito.

Ngunit parati rin nating tandaan na ang pagmamahal ay may limitasyon. Lahat ng sobra, masama. Tulad sa mga pagkain na kinakain natin, na kapag nasobrahan e pwede sumakit ang tyan natin. Pero syempre, kung gagamitin natin sa ibang konteksto, ang sakit na galing sa love ay hindi basta basta nagagamot tulad ng sakit ng tyan.

Pero lahat din naman ng sakit ay may aral na kapalit. Tulad ng sakit sa tyan, natututunan nating huwag kumain ng sobra sapagkat ito’y nakasasama. Tulad sa pag-ibig, marapat lamang na mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal. Tama lang na lahat ng sakit na nararanasan o mararanasan natin ay ating gamitin para tayo ay matuto at sa ating paglago.

At ang pinakamahalaga sa lahat, anuman ang sapitin natin, mahalaga na matutunan pa rin nating magmahal. Hindi man sa ibang tao, lalo pa at hindi tayo handa, marapat lamang na matutunan nating mahalin ang ating mga sarili.

Higit sino pa man, sarili muna.. Bago ang iba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s